Alam kong ang aking pagbabalik ay di kasing kaabang-abang ng TWD season 4. Ngunit, subalit, datapwat... batid ko na nakakarelate ang karamihan sa akin sa tuwing sasapit ang BER-months sa Pinas, eh nagiging sobrang-super-mega busy tayo. Aminin na natin yan! Don't tell a lie, alalay! Nyahahaha! (Eeeek, nakaka-hyper pala ang muling magbalik... hindi sa nakaraan hah kasi bilang GV advocates tayo, moving forward dapat ang peg natin. Ok?)
Ayun na nga... 'di ako nakahanap ng panahon upang silayan man lang ang mumunting tahanan na ito para ma-irecord man ang mga living-the-life moments ko. Oh well papel... naging busy man, ang mas importante ay nagbababalik diba? Nakaka-miss din pala dito. Dati, ilang oras akong nakatulala sa harap ng monitor kakaisip ng isang cool at inspiring na post. Hanggang ngayon, wala pa rin ata akong cool na post pero may mga ilang posts dito na nakaka-inspire talaga. Nakaka-inpire kumain! HAHAHA! Kung di yun ang hilig mo, naku iha/iho... naliligaw ka nga. You are so lost! (pero, sana naaliw ka kahet konti... puhlease? balik ka ulit bukas ah :P)
So, ano namang mga ganap nung offline ako? Bilang independent city dweller, first order of business ang DIY laundry at pagluluto ng baon sa office para makatipid. Uy, big deal yan ah. Side note: kelangan ng matibay na buto sa pagdedesisyon na humiwalay sa magulang after college. Nga pala, nagstart din ako mag-boxing for more push to kaseksihan! Nakapag-join din ako ng badminton tour-nament. Hehe, sa QC lang naman pero the fact na there's tour sa tournament, eh convinced na ako. Nagsimula din akong tumakbo ulit. At feeling ko, sa White Plains ang aking sweet spot. May dalawang fun run din akong nasalihan with my cousin Mine (todo karir para sa nalalapit niyang wedding bells). Siyempre, dapat balance diet diba? So ayun, I'm on a SEE-food diet na rin. Andami kayang naglipanang kainan dito sa Manila ngayon. Panay hype din naman so savor while it lasts. (tse, excuses!) Di rin patatalo, ang mga makakating paa ko. May mga travel milestones ako in the past months at pramis ko, isusulat ko yun dito. Most of all, the event of all events and the travel of all travels in my life... nag-pre-28th birthday ako sa Singapore. Nakaka-kilig talaga yun! Not the kilig-about-love kind of way ah. Basta, sasabihin ko rin yun dito... baka sakaling may mapulot kayong konting inspirasyon at aral. Ayyy wait, parang nakaka-pressure bigla ah.
Sige, last na 'to.. masyado ng mahaba eh. Eto na ang moral of the story. Get busy living your life, offline. Then, upload during your alone/quiet times! Uy, totoo 'to. Sa panahon kasi ngayon less na ang human interaction (I mean, kamustahan in person.. as in face to face. Pati nga high five at power hug, virtual na). Minsan, sa sobrang daming Instagram-worthy na nakakapagbabusog sa ating mga mata... nalimutan na nating makipag-interact. Aliw na aliw lang tayo kaka-picture-picture sa mga nasa paligid natin... tapos pag-uwi mo, mapapatanong ka na lang sa sarili mo kung na-achieve ba ang goal mo sa pakikipagkita mo sa mga amigas/amigos mo or na-achieve mo na ang quota for the day sa mga SNS. Hehe! Mababaw pero life-changing 'to. Try mo! Sana kung nabibigyan natin ng oras ang pagbabasa ng blog, mag-check ng FB, i-update ang Twitter at IG natin... i-push din natin ang tunay na experience. Yun bang magagamit natin ang ating 5 senses na natutunan natin nung kinder tayo. Sayang naman kasi. Wherever you are, whether you are enjoying the lush scenery sa probam or dealing with the crappy traffic in the city... ibulsa mo muna yang Smartphone mo at appreciate the life you are in now. Malay mo bukas, wala na yan. Kasi sabi nila, the only constant thing in this world are taxes and CHANGE.
Oh siya, humayo kayo at let's live a life away from the PC/internet. Kitakits sa susunod na kabanata :)
Mula sa puso,
Keevee
nakaka relate ako sa sinabi mo. gusto ko tuloy mag blog ulit... go push m yan
ReplyDelete@Raymund Cheers! Thanks for reading :)
ReplyDelete